Magaling Sa Math

Juan: Alam mo Pedro ako ang pinakamagaling sa MATH?

Pedro: Bakit mo naman nasabi? Nahihirapan ka nga sa addition tapos nagmamayabang ka pa.

Juan: Sa totoo lang, noong bata pa ako magaling talaga ako sa MATH.

Pedro: Sinungaling.

Juan: Best in MATH pa nga ako sabi ni titser.

Pedro: (Di makapaniwala.) Saang MATH ka magaling? Addition, Multiplication, Division o Algebra.

Juan: Wala sa binanggit mo.

Pedro: E di ano?

Juan: MATH. Merienda. Almusal. Tanghalian. Hapunan. Dito ako magaling.

Pedro: Magaling ka nga.
2011 Pinoy Tagalog Jokes is powered by | Blogger | | Our Blogger Templates | Link Exchange |